^

Probinsiya

Criminology student sa Quezon huli sa droga

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City , Philippines  — Kulungan ang binagsakan ng isang criminology student matapos na ito ay masakote sa buy-bust operation at nakumpiskahan ng mahigit sa P15,000 halaga ng hinihinalang shabu kamakalawa ng madaling araw sa Purok 3,Barangay Miswa, Infanta, Quezon.

Base sa ulat ni Que­zon Police Provincial Office ( QPPO) Director PCol.Romulo Albacea, kinilala ang suspek na si Alyas “Jon,” may sapat na taong gulang at residente ng Barangay Cawayan, Real, Quezon. 

Ayon sa imbestigas­yon ng Infanta Municipal Police Station, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang isagawa ng Infanta DEU ang operasyon laban sa suspek.             

Nasamsam sa pag-iingat nito ang tatlong piraso ng heat-sealed na transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na humigit-kumulang 2.32 gramo at may standard drug price na  P15,776.00, isang piraso ng P500 bill na marked money, isang pirasong coin purse na kulay navy blue, at isang yunit ng Honda Click na motorsiklo.

QPPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with