18-anyos timbog sa rape ng 13-anyos
MANILA, Philippines — Arestado ang isang 18-anyos na lalaki nang madiskubre na ginahasa ang 13-anyos nang maabutan ng ama, sa Barangay Santo Niño, Parañaque City, nitong Sabado ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Eric James,” residente ng Pasay City, na nahaharap sa reklamong statutory rape.
Sa ulat ng Parañaque City Police Station dakong alas-3:30 ng hapon noong Agosto 29, 2026, nang maganap ang insidente sa bahay ng dalagita.
Sa imbestigasyon, bumisita umano ang suspek sa tirahan ng biktima at hinimok ang biktima na magtungo sila sa banyo.
Nagkataong umuwi na ang ama ng biktima at natuklasan na nasa loob ng CR ang suspek.
Isinumbong ng biktima ang ginawa sa kanya ng suspek na panghahalay sa banyo kaya nagsuplong sa Barangay Santo Niño.
Tumawag naman ng pulis ang barangay na nagsagawa ng pag-aresto.
Dinala ang suspek sa Parañaque City Police Station at itinurn-over sa Women and Children Protection Desk (WCPD) para sa karagdagang imbestigasyon.
- Latest





















