^

Pang Movies

Queenay, hindi nagbago!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Queenay, hindi nagbago!
Queenay

Hindi ikinakaila ng TikTok star (with 15.2M followers), content creator, actress and entrepreneur Queenay Mercado na wala umano sa kanyang radar na magiging social media star siya dahil sobra umano siyang mahiyain nung bata pa siya. 

Pero dahil sa pagpu-push ng kanyang ina sa pagti-TikTok ay unti-unting nawala ang kanyang pagkamahiyain.

Sa tulong ng kanyang natural Batangueña accent, unti-unting tinanggap si Queenay hanggang tuluy-tuloy na ang pagtaas ng kanyang views on TikTok.

During our exclusive interview sa TikTok sensation at TV5’s Star Worx talent para sa aming vlog, ang TicTALK with Aster Amoyo on my YouTube channel, inamin ni Queenay na ang kanyang ina ay isang frustrated actress dahil hindi ito pinayagan ng kanyang ama, lolo ni Queenay. Dahil dito, ibinuhos niya ang kanyang attention sa bunsong anak at kaisa-isang babae na si Queenay na gusto niyang makilala nang husto. At hindi naman siya nagkamali.

Although nagsisimula pa lamang ang kanyang showbiz career bilang bahagi ng Star Worx ng TV5, malaki ang tulong sa kanyang pagpasok sa showbiz ng pagiging social media star niya.

Nag-improve man ang kanilang pamumuhay dahil sa kanyang pagiging successful social media influencer kung saan nakapagpatayo siya ng isang coffee shop sa kanilang lugar, sariling sasakyan, naipagawa niya ang kanilang bahay, at sarili niyang skincare product line, never na nagbago si Queenay sa pakikitungo sa kanyang old friends, mga kapitbahay, lahat ng mga kakilala laluna sa kanyang followers. Nananatili pa ring planted sa lupa ang kanyang mga paa hanggang ngayon kaya marami ang natutuwa sa kanya at sa kanyang tagumpay.

Napanood kamakailan si Queenay sa Cinemalaya entry na Kaka Sa Yawan.

After 50 years, Irene at Artie itinuloy ang love story

Kakaiba ang love story ng veteran actress na si Irene Celebre (ina ng magkapatid na Gabby at Ira Eigenmann sa namayapang actor na si Mark Gil) sa kanyang first love at fiancé na si Artie Perez de Tagle, anak ng namayapang ‘Reyna ng Kundiman’ at actress-comedienne and TV host na si Sylvia La Torre.

Katorse anyos pa lamang noon si Irene ay nagli-live mannequin model na siya sa isang department store nang siya’y makita at mapansin ng dumaraang 17-year-old student na si Artie kasama ang isang kaibigan.  

Instantly ay nabighani si Artie sa teen live mannequin kaya hindi siya nagsayang ng panahon.

Umakyat ng ligaw si Artie kay Irene hanggang sa maging mag-boyfriend ang dalawa. Pero nang makita ng parents ni Artie na seryoso na ito sa kanyang girlfriend ay pinaghiwalay muna silang dalawa. Ang siste, bigla na lamang nag-disappear si Artie (na dating recording artist ng Vicor Music Corporation ng magpinsang Vic del Rosario, Jr. at Orly Ilacad nung dekada sitenta) at hindi na kailanman nasilayan ni Irene na iniyakan nang husto ang biglang paglaho ng kanyang nobyo lalupa’t wala silang breakup. Pero pagkalipas ng 50 taon, biglang nakatanggap ng message si Irene sa kanyang Facebook account galing kay Artie at muling nabuhay ang kanilang komunikasyon hanggang sa bumalik sa Pilipinas ang US-based na si Artie para mag-propose kay Irene na nangyari mismo sa 67th birthday ng actress nung June 28, 2025 na ginanap sa ballroom ng Astoria Hotel in Pasig City which also came as a big surprise sa ina nina Gabby at Ira Eigenmann.

Prino-process na ngayon  ang documents ni Irene at sabay na silang tutulak patungong Amerika, isang indikasyon na tuluyan na ring tatalikuran ng aktres ang kanyang showbiz career sa Pilipinas para sa Amerika na rin manirahan at doon na rin sila magpapakasal na susundan ng isang seremonyas sa Pilipinas.

Ito talaga ang masasabing true love.

QUEENAY MERCADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with