Bulkang Mayon nagbuga ng abo, lava umagos

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-aalburoto ng bulkang Mayon matapos na magbuga ng abo at dumaloy rin ng lava sa nakalipas na 24-oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, ang pagbuga ng abo ng naturang bulkan ay naitala alas 8:30 ng umaga kahapon, Miyerkoles na may 800 metro ang taas papuntang silangan hilagang silangan ng bulkan.
Nagtala rin ang bulkan ng pagdaloy ng lava sa may dalisdis ng bulkan sa Basud, Bonga at Misi.
Nagkaroon din ng volcanic quakes at nagluwa ng nasa 4,584 tonelada ng asupre ang Bulkang Mayon at pamamaga na may panandaliang pag-impis sa hilagang-silangan.
Bunsod nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok sa anim na kilometrong (6 km) radius Permanent Danger Zone at paglipad ng anumang aircraft sa ibabaw ng bulkan dahil sa banta ng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, rockfall mula sa tuktok nito at pag-agos nang lahar kung may matinding pag-ulan
Ang Bulkang Mayon ay nasa ilalim ng Alert Level 2 na ibig sabihin ay may aktibong aktibidad ang naturang bulkan.
- Latest




















