^

Probinsiya

Motor sinalpok ng bus: Obrero dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Motor sinalpok ng bus: Obrero dedo
Namatay noon din ang obrero na si alyas “Kev”, 34, may-asawa at residente ng Barangay Ibabang Dupay, Lucena City. 
File

PAGBILAO, Quezon, Philippines — Nagkalasog-lasog ang katawan ng isang construction worker matapos na mabangga at masagasaan ng passenger bus habang minamaneho ang isang motorsiklo sa Maharlika Highway na sakop ng Barangay Silangang Malicboy sa bayang ito, kamakalawa ng gabi. 

Namatay noon din ang obrero na si alyas “Kev”, 34, may-asawa at residente ng Barangay Ibabang Dupay, Lucena City. 

Nasa kustodya naman ng Pagbilao Municipal Police Station (MPS) ang driver ng DLTB Bus na nakabangga at nakasagasa sa biktima na kinilalang si “Fharn”, 40-anyos ng Camarines Sur. 

Base sa imbestigasyon, alas-10:50 ng gabi habang minamaneho ng biktima ang isang Yamaha Mio motorcycle at tinatahak ang direksyon patungo sa Lucena City nang tumbukin ito ng kasalubong na DLTB bus ng suspek. 

Tumilapon ang biktima at nakaladkad pa ng ilang metro na naging sanhi upang kumalat sa kalye ang mga lasug-lasog na katawan nito. 

Lumalabas na nag-overtake ang Bicol bound na bus sa isang sasakyan na naging sanhi upang kainin nito ang kanilang linya ng kalye na kinaroroonan ng biktima. 

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with