^

Police Metro

Trader, misis na buntis todas sa LPG blast

Joy Cantos, John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang negosyante at ang kanyang misis na buntis nang sumiklab ang sunog mula sa pagsabog sa tindahan nila ng LPG sa pampublikong pamilihan sa bayan ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang nasawing mga biktima na sina Bacso Abdulgani, may-ari ng Bhasnor Dry Goods na nag-iimbak at nagbebenta ng LPG at misis nitong si Noraisa, ilang buwan na buntis.

Ayon kay Fire Chief Inspector Ronald Ali Ampang, Maguindanao del Sur Provincial Fire Marshal, nangyari ang insidente sa dakong alas-11:30 ng gabi.

Lumalabas sa imbestigasyon,mahimbing na natutulog ang mag-asawa nang mangyari ang sunog na mabilis na kumalat sa market stalls kung saan sumabog ang mga LPG na ibinebenta nila matapos na mag-init na nilikha ng sunog ng gumapang na ang apoy.

Sa nasabing insidente ay sunud-sunod na pagsabog ng mga tangke ng LPG sa lugar na nagpalala sa paglaki ng sunog. Nasa 10 tinadahan sa loob ng pamilihang bayan ng Shariff Aguak ang naabo at naapula ang sunog matapos magresponde ang mga bumbero at narekober ang sunog na bangkay ng mag-asawa.

Kasalukuyan pang inaalam at pinagmulan ng sunog at magkano ang nilikha nitong pinsala.

LPG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with