^

PSN Showbiz

Bea, lutang pa rin!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bea, lutang pa rin!
Bea Lonzo

Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang ikasal si Bea Alonzo at ang negosyanteng si Vincent Co.

Matatandaang lihim na ginanap ang pag-iisang-dibdib ng mag-asawa sa Makati City Hall noong July 13. “Yes, I didn’t realize, ang bilis. How time flies. ‘Yung tirahan ko, iba na ‘yung address ko. Siyempre nag-move-in na kami together. Right now, I’m on cloud nine. I’m very, very happy. Na-share ko yata, I’m at my happiest. Siyempre we wake up right next to each other every day and it’s special to me,” makahulugang pahayag ni Bea sa Saksi.

Intimate at secret civil wedding ang napagkasunduang gawin nina Bea at Vincent kamakailan. Para sa aktres ay hindi na mahalagang ipaalam pa sa publiko ang tungkol dito. “Honestly, I didn’t think that it’s something I really need to share. So, parang hindi naman sa ipinagdadamot. At that point, parang I felt like I just wanted it to be mine and his. I wanted it to be about us and no one else. So, yeah,” makahulugang paliwanag na Kapuso actress.

Kahit bagong kasal pa lamang ay hindi na tumigil sa pagtatrabaho si Bea. Tuloy pa rin umano ang taping ng aktres para Kapuso series na Whispers From Heaven. “I never really stopped shooting. So tuluy-tuloy na siya. Midway or more than halfway na kami. Nag-e-enjoy akong katrabaho pa rin si Direk Zig (Dulay), Maricar (Reyes), Tom (Rodriguez),” pagbabahagi ng aktres.

Dustin at Bianca, ‘di pa legit ang relasyon

Sa kauna-unahang pagkakataon ay makapagbibida na si Dustin Yu sa isang pelikula. Makakatambal ng aktor si Bianca de Vera sa Ba’t Di Na Lang Tayo na malapit nang mapanood sa mga sinehan. Noon pa man ay pinapangarap na raw ni Dustin na makatrabaho si Jason Paul Laxamana na siyang direktor ng naturang proyekto “Gaano ako ka-excited? Sobra, no’ng nalaman ko pa lang, no’ng pini-pitch pa lang siya sa amin, as in hindi na ako makatulog kakaisip. Kasi growing up, pinapanood ko na ‘yung mga gawa ni Direk. ‘Yung 100 Tula (Para Kay Stella), favorite ko ‘yon,” nakangiting bungad ni Dustin.

Ayon sa Kapuso actor at talagang malaki ang pagkakaiba ng bagong proyekto kumpara sa Love You So Bad na nagawa ng tambalang DustBia kasama si Will Ashley noong isang taon. “Bago siya sa amin. No’ng narinig ko ‘yung istorya, bago siya. May pagka-totoo sa buhay namin at sa buhay ng karamihan. Sobrang swerte namin na gagawa kami ng pelikula na solo naman this time,” paliwanag ng binata.

Hindi pa man opisyal na magkasintahan ay talagang magkasundung-magkasundo sina Dustin at Bianca sa maraming bagay. Para sa aktor ay mas madaling makatrabaho ang isang malapit na kaibigan katulad ni Bianca. “’Yung relationship namin, ‘yung friendship namin, talagang open kami for adjustments. Madami kasi kaming dapat pang matutunan sa buhay eh. So sa work din, hindi kami sarado. Kumbaga, nakikinig kami sa isa’t isa. No’ng PBB (Pinoy Big Brother) kasi ang dami na naming pinagdaanan eh. So feeling ko naman medyo na-master na namin kumbaga ‘yung connection namin. Para ‘pag may mga times na feeling namin ay may mga mali kami, parang ‘yon ‘yung mga times na kailangan open kami para maging grounded,” giit ng Kapuso actor. — Reports from JCC

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with