Bagyo, baha at putik napapanahon
BAGYO sa balitang nakawan ang sumalida sa bayan nang maghiwalay ng landas sina Bongbong at Sara at bumaha ng pera mula sa magkabilang kampo sa pagbubuo ng social media warriors para magbatuhan ng putik ng katiwalian.
May kumalat na balitang bago pa man mabuo ang UniTeam para sa 2022 National Election ay may mga diumano’y kondisyones na ang Duterte Camp kay BBM hinggil sa magiging Speaker of the House at Senate President. Maghahati sila sa kapangyarihang maghahatid ng biyaya sa bawat isa. Bukod pa siyempre ang itatalaga sa mga masasabaw na tanggapan tulad ng Department of Finance at DPWH. ‘Yan ang bagyo!, Totoo ba ‘yan Sandro Marcos?
Bagyo’ng pambabalahura noon ang ginawa ni Digong kay BBM sa pagsigaw nito na “BANGAG” ang presidente natin sa saliw ng ngiti ni Manang Imee sa pagsalida ng “Maisug Rally” sa Davao. Dahil nakopo ni Martin Romualdez ang speakership ng kongreso at si Miguel Zubiri na may dugong loyalista ang nakakopo ng Senate Presidency. Nagsimula nang bumaha at magbatuhan ng putik!
Naging kataga na ang “Bangag” at “Lustay” sa sirkulo ng SocMed na pinagpipiyestahan naman ng mga nakikiramdam sa labas ng sirkulo ng UniTeam.
Ginagatungan sila ng mga nag-aabang sa pagsingaw ng mas bagyo at bumabahang putik ng kabulukan na inaasahang magpapahina sa nagbabakbakang kampo ng Ilokano at Davaoeña sa 2028 election. Sino ang nagpapasingaw at sumisigaw nang Uragoooon,. Pasoook!.. ‘Di kaya tagaloob din ng palasyo?
May mga nananalangin na humaba pa hanggang 2029 ang buhay ni Digong dahil baka diumano makakatangay ng simpatya para kay Sara katulad ng nangyari kina Cory at Noynoy Aquino. Alam ‘yan ni partner Former ES Paquito “Jojo” Ochoa. He he!
Ipinagdarasal malamang ng mga pari at madre na humaba pa ang buhay ni Digong. Tama ba? Mahigpitan na ‘to!
- Latest
















