^

PM Sports

Clark bumida sa Converge

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Clark bumida sa Converge
Dumiskarte si balik-import Cameron Clark ng Converge para makalusot kay Justin Strings ng Terrafirma.
PBA

MANILA, Philippines —  Tinambakan ng Converge ang Terrafirma, 120-103, upang mapatid ang 4 na sunod na kabiguan sa PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Sumandal ang F­iber­Xers sa bagong import na si Cameron Clark para sa matagumpay na pagbabalik sa PBA matapos magsilbing dating import ng San Miguel at NLEX tampok ang 22 puntos, 5 rebounds, 3 steals at 2 tapal.

Pinalitan ni Clark si Jamaal Franklin na una namang humalili kay Jalen Hudson sa hangarin ng FiberXers na makuha ang tamang timpla matapos sumemplang sa 4-game losing skid mula sa 3-0 na simula.

Nakatulong ni Clark upang maibalik sa winning column ang Converge na solo No. 4. bitbit ang 4-4 kartada si Justin Arana na humakot ng double-double na 20 puntos at 12 rebounds habang may 17 puntos at 11 rebounds na double-double din ang Best Player of the Game na si Calvin Abueva.

Solido rin ang ambag nina Juan Gomez de Liaño at Jaydee Tungcab na may tig-13 puntos, may 12 puntos si Justine Baltazar habang may tig-9 na puntos din sina Mikey Williams at MJ Garcia para sa balanseng atake ng FiberXers.

“’Yung participating ng import namin na si Ca­meron, nakita n’yo naman ‘nung dying minutes, especially ‘nung humahabol na ‘yung Terrafirma. Ang laking bagay ni Cameron. Kayo na ho magsabi compared sa mga nakaraan namin,” ani head coach Dennis “Delta” Pineda, na bise gobernador din ng Pampanga.

Gigil na makabawi na, rumatsada ang Converge sa 38-23 sa 1st quarter at umabante pa ng hanggang sa 29 puntos tungo sa kumbinsidong 17-puntos na tagumpay kumpara sa dikit na 105-103 panalo nila sa Round 1.

Ito ay kahit pa kontra sa Dyip na kagagaling lang sa 114-109 silat na tagumpay kontra sa dating unbeaten na NLEX.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with