Gary V., may ibinalik

Para sa milyun-milyong overseas Filipinos, hindi lang basta isang sikat na OPM classic ang Babalik Ka Rin.
Kwento nila ito. Mahigit tatlong dekada nang kasama ang awiting ito sa bawat paalam sa airports, boarding gates, workers’ dormitories, family reunions, at sa mga mahihigpit na yakapang may kasamang luha.
Naging bahagi rin ito ng napakaraming Pinoy na napilitang mangibang-bansa para mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay.
At ngayon, may bago na namang kabanata ang makabuluhang awiting ito.
Orihinal na isinulat at prinodyus ni Louie Ocampo, habang si Dudu Ulep naman ang sumulat ng lyrics.
Unang inilabas ito noong early 1990s at kalaunan ay naging isa sa mga pinakatumatak na signature songs ni Gary V.
Hindi lang simpleng bagong recording ang ginawa ni Gary ngayon, eksklusibong ni-record ito ni Mr. Pure Energy para sa Sendwave at sa kanilang Between Here And Hom campaign.
Layunin ng campaign na magbigay-pugay sa tapang, tibay ng loob, at walang kapantay na pagmamahal ng bawat Overseas Filipino saan mang panig ng mundo.
Mas ramdam ngayon ang emosyon sa bawat linya ng kanta dahil sa kanyang makapangyarihan at taos-pusong interpretasyon.
Kasabay ng bagong kanta ang isang cinematic music video na nagpapakita ng tunay na buhay ng mga Overseas Filipinos.
- Latest

















