Ikinukumpara sa pinsan
Dear Dr. Love,
Magkaedad kami ng pinsan ko at mag-best friend ang turingan namin sa isa’t isa. Nae-enjoy namin ang bawat pagkakataon na magkasama kami. Ang malungkot lang, habang lumalaki kami, lagi kaming pinagkukumpara ng aming pamilya.
Aminado naman ako na mas magaling siya sa kanilang paaralan. Hindi kaya siya nawawala sa listahan ng mga may honor. Lagi lagi siyang may medal at parangal.
Masaya at proud ako sa mga achievement niya yun sa pag-aaral. At talagang nakakabilib siya.
Ang masaklap lang ay ang mga nakaka-offend na salita nang paghahambing ng pamil-ya ko sa aming dalawa. Hindi ko po talaga maiaalis na masaktan tuwing pinipintasan ako ng buong angkan.
Tahimik lang ako, as if na dedma lang sa non-stop na yatang pagkukumpara nila. Pero sa loob ko, nade-depress na po ako.
Sa paniniwala na kahit paano ay tantanan ako ng mga puna at paghahambing, unti-unti akong lumalayo sa pinsan ko.
Gusto ko na po kasi makakawala sa anino niya. Ang pakiramdamko kasi sa trato sa akin ay para bang malaking kasalanan na hindi ako kasing galing ng pinsan ko.
Hindi ba bawat tao naman ay kaniya-kaniyang galing at talento, kaya maling ikumpara ang husay ng iba sa iba pa.
Sa totoo lang po, dahil sa mistulang mise-rableng kalagayan ko sa amin, nakakaisip na akong lumayas sa bahay.
Dahil pati pamilya ko ay kampi sa kanya. Kailan ba nila matatanggap na ako at ang pinsan ay hindi iisa, magkaibang tao kami na may hindi parehong kakayahan,kaya hindi dapat pagkum-parahin.
Loise
Dear Loise,
Mahirap talaga ang palaging ikinukumpara sa iba, lalo na kung kapamilya pa. Pero tandaan mo, hindi mo kailangang sukatin ang sarili mo batay sa pamantayan ng ibang tao.
May halaga ka kahit hindi mo hawak ang medalya. Kung nasasaktan ka sa mga salita nila, puwede mong ipahayag nang maayos na hindi ka komportable sa pagkukumpara. Minsan, hindi nila alam na nakakasakit na.
Higit sa lahat, hanapin mo ang larangan kung saan ka nagiging masaya at magaling. Doon mo ibuhos ang oras at lakas. Hindi mo kailangang i-please ang lahat—ang mahalaga ay ang sariling paglago at kapayapaan ng loob.
Ang tunay na tagumpay ay ang pagiging tapat sa sarili at ang pagkakaroon ng lakas na ipaglaban ang iyong halaga.
Dr. Love
- Latest




















