Andrew E., allergic sa music collab

Walang-wala sa plano ng iconic rapper na si Andrew E. ang makipag-collab sa mga young artist. Actually allergic nga raw siya sa idea ng collaboration. “Medyo allergic ako…, honestly, allergic ako sa salitang collaboration. Kasi unang-una, tatlong dekada ko nang napagtuunan na hindi naman ako nakikipag-collaborate,” umpisa ng sagot niya sa amin nung media launching ng kanyang latest song na may pamagat na Pasta.
“Kasi unang-una, my song and my kind of style, hindi siya collaborative. Hindi katulad ng may kakanta, may magko-compose, collaborative na. Kasi ang pwedeng kumanta rin, manganganta rin, o rapper din.
“Pero iyong style ko kasi, hindi collaborative style. Kaya ang hirap. Mag-aalok ka nang naughty, tapos hindi naman naughty iyong ka[collab] mo. That’s why medyo nahihirapan ako.
“Hindi na lang ako nagco-collaborate. But, in this album, sa Wholesome Again, I will have the very first collaboration with my son only,” dagdag niyang paliwanag.
Isa ang Pasta sa bago niyang kanta sa Wholesome Again. album niya.
“My son, MC Fordy. And we have a song entitled Interstellar,” banggit niya tungkol sa 23 years old niyang anak na isa na ring rapper.
Bakit nga pala Pasta ang pamagat ng kanyang bagong kanta.
Aniya, ang point of origin ng Pasta ay isang bagay na gustung-gusto natin pero hindi naiiwan sa isipan mo iyong bagay na ‘yan. “So parang masyadong masikip ang landas ngayon ng music industry. So for me, I created something like a song na kapag narinig mo iyong kanta na ito. Hinding-hindi mo na makakalimutan iyong pasta kasi ipapaalala sa’yo na natuwa ka or kiliti muli, just like iyong nakita ko at nakuha ko ang kiliti ninyo noong Humanap Ka Ng Panget, Andrew Ford Medina, Binibirocha, Banyo Queen, and the rest,” sabi na in all fairness ay malakas naman ang impact nang marinig namin.
At nang tanungin siya kung ginamitan ba niya ng AI (artificial intelligence) ang kantang ito.
Maraming singer sa kasalukuyan ang gumagamit na ng AI. “Of course hindi, kasi number one nowadays ‘no, bibigyan ko kayo ng konting clue, kasi nowadays kapag gumamit ka ng AI bawal nang i-upload sa mga music platforms. I’m not saying bawal ang kanta mo pero hindi tatanggapin kung ikaw iyong gumawa, kung ikaw iyong nag-submit. ‘Di ba usually kung ikaw iyong record producer ng album o nung kanta, ‘pag sinubmit iyan ng company mo, automatic tinatanggap lang iyan ng music platform or maybe kung sino mga ordinaryong manganganta o gumagawa ng kanta, tinatanggap lang iyon.
“Nowadays, no. Meron na silang verification material or machine na kapag na-sense nila iyong AI elements, dahil ang AI elements ay code, code na hindi galing sa physical form or physical media, kaya nasi-sense iyan. At ‘pag nalaman nila, automatic hindi ka na nila tatanungin, you cannot upload your song,” mahaba-haba niyang sagot.
Nabanggit din niyang may panlaban na rin siya sa piracy na aniya ay galing pa ng Europe ang nasabing gadget.
Talamak sa digital platform ang piracy dahil na rin sa kakapusan ng safeguard sa mga kantang local.
“Normal na, very normal na ngayon. In fact, may hawak kang cellphone, marinig mo lang dito, record mo lang, no problem. Pasa mo lang, no problem. This time, parang near field cards. Parang ganoon. Pero syempre sa ibang country iba naman ang meaning. Anyway, so iyong NFC ‘pag tinap ko iyan sa phone, lilipat iyong kanta ko. Pero kapag hindi ko phone iyan, kasi ito iyong isa kong phone. Ito iyong tunay kong phone. So tinap ko iyong NFC. Dito magpi-play iyan forever. Hindi mo iyan mabubura sa phone mo.”
- Latest






















