^

PSN Palaro

UST reyna ng Shakey’s volley

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
UST reyna ng Shakey’s volley
Ang pagdiriwang ng champion team UST.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kinapitan ng University of Sto. Tomas ang matikas na laro nina Angge Poyos at Regina Grace Jurado upang iheristro ang 22-25, 25-8, 25-12, 25-22 panalo kontra sa College of Saint Benilde at sikwatin ang korona sa winner-take-all 2026 Shakey’s Collegiate National Invitationals finals na nilaro sa Playtime FilOil Arena sa San Juan, kahapon.

Nasilayan ang bangis ng Golden Tigresses nang masugatan sila sa unang sets, agad bumangon sa set 2 upang tambakan ang Lady Blazers, 25-8 sa event na suportado ng  Jetour, Baic, Eurotel, Victory Liner Rent & Go, F2 Logistics, Summit Natural Drinking Water, PusoP.com at Smart Sports.

Nagpatuloy ang nagliliyab na laro ng España-based school, humarurot agad ng 6-0 karta at lumubo pa ito sa 13-point lead 23-10 para makuha ang panalo sa set 3 at mamuro sa pagkopo ng titulo.

Hindi na pinaporma ng Golden Tigresses ang Lady Blazers sa fourth frame, nagsanib puwersa sina Jurado at Poyos para tapusin ang laro sa tournament na katuwang ang Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, at R and B Milk Tea.

Samantala, nasikwat ng Letran ang bronze me­dal matapos nilang kalusin ang Southern Storm Melbourne 25-21, 18-25, 25-17, 25-23 sa battle for third place match.

Lumabas ang bangis ni Judiel Nitura matapos matisod ng Lady Knights sa second set, pinamunuan nito ang atake upang hablutin ang panalo sa dalawang natitirang fra­mes  at ilaglag ang Australian guest team sa fourth place.

UST

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with