^

Punto Mo

EDITORYAL - Proteksiyon sa ­consumer

Pang-masa

Daming nasa-shock kapag dumating ang electric bill. Napakataas? Bakit ganito?

Ito ang nag-udyok kaya magkakaroon ng Senate inquiry sa pagtaas ng singil sa kuryente. Ayon sa report, tumaas ang residential rate ng Meralco mula P13.2730 kada kilowatt-hour noong Enero hanggang P14.8261 kada kilowatt-hour ngayong Hulyo. May mga reklamo rin ng biglaang paglobo ng bill, disputed meter readings, at system loss charges na ipinapasa sa mga nagbabayad na konsyumer.

Hindi maliit na bagay ang kuryente. Hindi ito luho na puwedeng basta bawasan o alisin. Kailangan ito sa trabaho, pag-aaral, pagkain, seguridad, at araw-araw na pamumuhay. Kapag tumaas ang singil, hindi lang ilaw ang pinag-uusapan. Apektado ang budget sa pagkain, pamasahe, renta, gamot, at tuition.

Totoo na maraming dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng kuryente. May generation cost, fuel prices, foreign exchange, taxes, transmission charges, at iba pang market factors. Pero hindi sapat na sabihin lang sa publiko na “tumaas ang generation charge.” Kailangang malinaw kung alin sa singil ang lehitimong gastos, alin ang dahil sa inefficiency, at alin ang pasang gastos na hindi naman dapat sinasalo ng konsyumer.

Dito dapat pumasok ang Energy Regulatory Commission. Hindi sapat na parang calculator lang ito ng mga singil na ipinapasa sa mga konsyumer. Dapat itong maging tunay na bantay ng publiko. Kung may reklamo sa meter reading, dapat madaling ma-verify. Kung may biglaang paglobo ng bill, dapat mabilis maimbestigahan bago manakot ng disconnection. Kung may system loss dahil sa illegal connection, jumper, o meter tampering, bakit ang konsyumer ang sumasalo. Hindi dapat maging shock absorber ng power sector ang bulsa ng konsyumer.

Tama rin na tingnan ang mas malaking sistema. Kung mataas ang generation cost, bakit? Kung may inefficiency sa grid, ano ang ginagawa ng NGCP at regulators? Kung may taxes at charges na nagpapabigat sa bill, alin ang puwedeng repasuhin ng Kongreso? Kung may mga singil na paulit-ulit na ipinapasa sa publiko, panahon nang tanungin kung sapat pa ba ang proteksiyon ng batas sa konsyumer.

Hindi sinasabing huwag kumita ang power companies pero sa basic service tulad ng kuryente, hindi puwedeng ang publiko ang huling tagasalo ng lahat ng gastos, risk at pagkukulang.

Ang hinihingi ng konsyumer ay simple: malinaw na bill, patas na singil, mabilis na aksyon sa reklamo, at regulasyong hindi lamang pabor sa kompanya kundi sa konsyumer. Sa bawat taas-singil sa kuryente, may pamilyang napipilitang mamili kung ano ang uunahin: ilaw ba, pagkain, o ibang pangangailangan.

ELECTRIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with