‘Cayetano ikalaboso sa Payatas Jail!’

Lacson nagbibilang na ng witness
MANILA, Philippines — Iginiit ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na lumampas na sa hangganan ang mga pag-atake sa kanya ni Sen. Alan Peter Cayetano, at may mga impormante umano siyang handang magbigay ng ebidensiya para makulong ang huli.
“My integrity is my first and last line of defense and I will fight to defend it with all my might. Sen Cayetano has crossed the line by attacking it,” ani Lacson sa X, na dating Twitter. Dagdag pa niya: “As of this morning, I’m still counting informants and witnesses…willing to provide information and evidence to put him in his proper place — the Payatas, QC jail.”
Sa hiwalay na pahayag, binigyang-diin ni Lacson na hindi siya abusado o tiwaling opisyal ng gobyerno. “I’ve tasted power and
I know how to handle power through personal experience. Hindi ako abusado at hindi ako corrupt na government official,” aniya.
Sa isang Facebook Live nitong Linggo ng hapon, sinabi ni Cayetano na hindi niya kinukuwestiyon ang integridad ni Lacson kaugnay ng flood control probe, kundi ang mga taong sangkot dito. “Hindi po ako ang nag-question ng integrity niya. Buong bayan ang nag-question…Marami pang ibang ebidensiya na puwedeng sundin,” ani Cayetano.
Nauna rito, sa isang Facebook Live noong Sabado, kinuwestiyon ni Cayetano ang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) nina Lacson at Senate Blue Ribbon Committee chairperson
Erwin Tulfo. “Kay Senator Lacson, ’di ba, ano ’yung actual?…parang dumoble ’yung kanyang SALN,” aniya.
Itinanggi ni Lacson ang paratang at iginiit na lehitimo ang kanyang kinita mula sa pribadong negosyo. Aniya, tumaas lamang ang kanyang kita matapos siyang umalis sa serbisyo publiko, bagay na makikita sa kanyang income tax returns.
Bilang tugon, pinaratangan ni Lacson si Cayetano na may bilyun-bilyong pisong budget insertions. “Unlike Sen. Cayetano, with P6.79 billion in budget insertions under the 2025 GAA, I have had no insertions, a.k.a. pork barrel, since I became a senator. And I do not receive any 25% kickback from slope protection and other infrastructure projects,” aniya.
- Latest





















