^

Police Metro

BOC nagbabala vs ‘love at parcel scam’

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tahasang nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) sa publiko laban sa mga sindikatong gumagamit sa pangalan ng ahensya para sa kanilang mga “love scam” at “parcel scam” modus.

Ayon sa BOC na huwag pasisilaw sa mga padala o parcel na regalo mula sa online lovers lalo na kung may pababayaran sa pamamagitan ng e-wallet, money remittance o bank transfer ang magpapakilalang kawani ng ahensya.

Sinabi ni Commissioner Ariel Nepomuceno na hindi proseso ng BOC ang nasabing scheme, dahil ang sinumang kawani o opisyal nila ay hindi otorisado na maghingi o tumanggap ng anumang kabayaran gamit sa pamamagitan ng personal bank accounts, e-wallets o money remittance services.

Aniya, maraming kaso na ng modus ang nagsimula sa pakikipagkilala sa social media, messaging apps, o online dating platforms, na kukunin muna nag tiwala ng target na biktima, magpapadala ng regalo, at kalaunan ay mapanlinlang na parcel naman na kunwari ay naka-hold sa BOC na kailangang may bayaran bago ma-claim.

Sa halip, agad na isuplong sa mga otoridad ang kahina-hinalang mga mensahe, tawag o email sa mga nakikilala sa social media o online na nagpapakilalang taga-Customs.

BOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with