KathDen Movie, mina-manifest din ang part 3?!

Taong 2022 pa ang huling TV series ng tinaguriang Asian Superstar na si Kathryn Bernardo, ang 2 Good 2 Be True, na pinagtambalan nila ng kanyang ex-boyfriend (of 11 years), ang matinee idol na si Daniel Padilla.
The actress, singer at matagumpay na entrepreneur ay muling nagbabalik sa bago niyang serye, ang Someone, Someday, ang kanyang first TV series after her much-talked about breakup with Daniel. Sa nasabing serye ay makakatambal niya sa unang pagkakataon si James Reid.
Taong 2024 naman nang huling mapanood sa isang pelikula si Kathryn sa pamamagitan ng record-breaking movie na Hello, Love, Again, sequel sa unang team-up nila ni Alden Richards, ang Hello, Love, Goodbye nung 2019 na parehong pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana.
Gumawa rin ng kasaysayan ang huling pelikulang pinagtambalan nila ni Daniel, ang The Hows of Us, nung 2018 na dinirek din ni Direk Cathy.
Ang inasahan ng fans nina Kathryn at Kapuso-prized actor na si Alden Richards na relasyon ay hindi natupad dahil ang batang mayor ng Lucena City na si Mayor Mark Alcala ang nagpapatibok ng puso ngayon ng Kapamilya superstar habang nananatiling loveless si Alden.
Bago ang paghihiwalay nina Kathryn at Daniel nung November 2023 ay nagsalita ang actress-singer na mag-aasawa siya before she turns 30. Thirty na siya ngayon turning 31 on March 26, 2027.
Nangangahulugan kaya na si Mayor Mark Alcala na ang kanyang makakasama habambuhay kapag ito’y nag-propose ng marriage sa kanya?
Si Kathryn ay isang actress na marunong mag-handle ng kanyang kinikita sa tulong ng kanyang mom na si Min Bernardo.
Ang iba’t ibang mga negosyong itinayo ni Kathryn ang dahilan ng kanyang super busy schedule kaya bihira na rin itong gumawa ng pelikula at serye.
Sa edad na 30, marami pa ang gustong ma-achieve ni Kathryn na nagsimula sa showbiz bilang child actress.
Samantala, panahon na kaya na muling gumawa ng pelikula sina Kathryn at dati niyang boyfriend at ka-loveteam na si Daniel? May pagkakataon din kayang magkaroon ng part 3, ang tambalan nina Kathryn at Alden?
Ang kasagutan ay malalaman natin sa tamang panahon.
- Latest





















