NCAA champ JV Gallego, patay sa bangga!

MANILA, Philippines —Nasawi si dating Gilas Youth stand out at NCAA champion na si John Vincent “JV” Gallego matapos masangkot sa isang vehicular accident sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Meycauayan nitong Sabado, Hulyo 18.
Ang 28 taong gulang na si Gallego ay nakilala bilang kinatawan ng Pilipinas sa 2016 FIBA Asia U18 Championship. Una siyang naglaro sa National University sa UAAP bago lumipat sa San Beda University, kung saan naging bahagi siya ng koponang nagkampeon sa NCAA Season 99 noong 2023. Noong 2024, naglaro siya para sa Bicol sa MPBL.
Nabatid na si Gallego ang nagmamaneho nang bumangga sa concrete barrier habang kasama ang kanyang misis nang maaksidente sa bahagi ng Libtong, Meycauayan, Bulacan, na nagbibiyahe pabalik umano sa Maynila.
Isinugod pa sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival, ayon sa Meycauayan Police City Police Station, chief, P/Lt. Col. Melvin Florida .
Nagluluksa ang basketball community sa kanyang pagpanaw, kabilang ang dating teammate na si Fran Yu na nagbigay ng mensahe bilang pag-alala sa kanilang pagkakaibigan.
- Latest




















