^

Bansa

Threat vs First Family, national security

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Threat vs First Family, national security
Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro held a briefing at Malacañang on February 18, 2026.
STAR / Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Malakanyang na hindi lang ordinaryong pagbabanta ang ginawa ni Vice President Sara Duterte sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kundi banta sa seguridad ng bansa.

Sa press briefing, kinontra ni Palace Press Officer Claire Castro ang argumento ng depensa na ang pahayag ng Bise Presidente noong Nobyembre 2024 sa isang live stream ay tugon lang sa tanong at hindi ibig sabihin ay pagbabanta.

“Kung ito ay hindi threats, ano pa ba ang maaari nating i-define sa salitang threats? So, ang ganitong klase na pagresponde ay normal at dapat na i-justify at i-tolerate?” ayon kay Castro.

Ang reklamo aniya ay hindi dapat i-trato na ordinaryong pagbabanta na pwdeng isampa sa korte dahil ang sangkot dito ay hindi simpleng tao lang kundi ang Pangulo at ito ay isyu ng national security.

Kinontra rin ni Castro ang argumento ng depensa na ang pahayag ni VP Duterte ay hindi direkta sa President, First Lady, at sa dating House Speaker dahil hindi naman sila present sa livestream.

“Hindi ito lihim; lahat ng tao halos nakapanood, hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo,” ayon pa kay Castro.

Sa ilalim aniya ng batas, ang grave threats ay nako-consummate kapag iyong taong binantaan ay nalaman ito. Bukod dito, hindi rin aniya itinatanggi ng Bise Presidente ang kanyang mga pahayag sa halip ay jinustify pa niya ito.

“Ang burden of evidence ay nagshi-shift sa tao na umamin na siya ay magpapapatay,” sabi pa ni Castro.

CLAIRE CASTRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with