Tacloban high school, nabulabog uli ng ‘shooting threat’

MANILA, Philippines — Muling nabulabog ang mga mag-aaral at guro sa San Jose National High School (SJNHS) sa umano’y “shooting threat” sa eskuwelahan sa lungsod ng Tacloban City, Leyte.
Kaya’t agad na sinuspinde ang klase sa nasabing paaralan para sa kaligtasan nang lahat.
Ang panibagong pagbabanta ay matapos namang maibalik muli ang face to face classes sa SJNHS.
Gayunman sa radio at television interview sa mga magulang ay sinabi ng mga ito na nakatanggap muli ng pagbabanta ang nasabing eskuwelahan na may mamamaril na naman umano mula sa hanay ng mga estudyanteng biktima ng pambu-bully.
Kaya’t nabuhay na naman ang matinding takot sa mga estudyateng hindi pa nakakarekober sa trauma sa nangyaring madugong insidente ng pamamaril sa nasabing eskuwelahan noong Hunyo 22 ng dalawang menor-de-edad na estudyante na kumitil ng tatlong mag-aaral at pagkasugat ng 20 pa.
Idinagdag pa nito na maging ang mga magulang ng mga mag-aaral sa nasabing eskuwelahan ay pabor naman na huwag munang papasukin ang kanilang mga anak matapos na mabatid ang panibagong banta.
- Latest



















