Himala: Kapatid gumaling sa sakit (Part 17)
BIGLA kong naisip na hindi? pa nga pala naisasagawa ang ikalawang 2D echo ni Victor kaya nagtaka ako kung bakit naitanong niya iyon. At sumagot naman ako na kukunin ko bukas. Nahiwagaan ako.
“Hindi ka pa dumadaan sa ikalawang test, Victor.”
“Napanaginipan ko Ate na tinest na ako at ang resulta, wala akong sakit. Normal lahat.”
Napamaang ako.
“Paano nangyari ‘yun?”
“Basta sinalang na ako sa ikalawang 2D Echo, Ate.”
Hindi ako makapaniwala pero hindi na ako nagsalita. Siguro’y nagkamali lang si Victor. Baka dahil sa nararamdaman niyang sakit kaya niya nasabi iyon. Nagkakaroon siya ng kalituhan.
“Puntahan mo bukas ang result Ate,’’ sabi ni Victor.
Para matapos na ang pag-uusap, pumayag? na lang ako. Tutal at mayroon din naman? akong itatanong sa doktor ni Victor.
“Sige pupuntahan ko. Kaya mo bang mag-isa? Baka pumila uli ako roon.”
“Oo Ate. Wala na akong nararamdaman.”
“Sige. Bukas ng umaga, pupuntahan ko ang results.”
Napangiti si Victor. Napansin ko na masiglang-masigla siya. (Itutuloy)
- Latest
















