^

Probinsiya

San Pablo City mayor sinuspinde ng 6-buwan

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pansamantalang na­tuldukan ang tensyon sa San Pablo City, Laguna matapos na isilbi na ng Department of the Interior and Local Government (DILG)-provincial office ang 6-buwang preventive suspension laban kay Mayor Arcadio ‘Najie’ Gapangada Jr, kahapon ng umaga.

Ang suspension ay nilagdaan ni Ombudsman Crispin ‘Boying’ Remulla, na may petsang Hulyo 8, 2026 at isilbi ng DILG-4a sa tanggapan ni Mayor Gapangada dakong alas- 8:10 ng umaga kahapon, ayon kay DILG4a regional director DILG, Ariel Iglesia nang matanggap nila ang order nitong Hulyo 13.

Si Vice Mayor Justin Colago ay awtomatikong naluklok bilang acting San Pablo City mayor habang ang unang City Councilor na si Carmela Acebedo ay itinalaga bilang acting Vice-Mayor sa loob ng anim na buwan lamang.

Nag-ugat ang mga kaso sa reklamong inihain ni Vice Mayor Colago noong Hunyo 26, 2026, laban sa alkalde sa pagtanggal ng ilang opisyal sa kanilang tungkulin, pag-marginalize, pag-reassign, o pag-bypass sa kanila sa operasyon ng iba’t ibang tanggapan ng lungsod pabor sa mga job order employees na sinasabing kinuha ng alkalde. Ang ilan sa mga empleyadong ito ay nakatatanggap umano ng suweldo na aabot sa P100,000 bawat buwan.

Sinabi ni Mayor Gapangada na maghahain siya ng motion for reconsideration sa Office of the Ombudsman at hihingi ng Temporary ­Restraining Order (TRO) mula sa mga korte para ihinto ang pagpapatupad ng kanyang suspensyon.

MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with