^

Probinsiya

Magkaibigan lunod sa outing sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Magkaibigan lunod sa outing sa Quezon
Sa ulat ni PLt. Col. Ryan Hernandez, chief of police dito, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Salvador, 22, at Jaime, 21, habang nasa maayus ng kundisyon sa ospital si Shaun, 18, pawang mga residente ng Barangay Calumpang, Tayabas City. 
STAR/File

LUCENA CITY, Philippines — Nauwi sa trahedya ang outing ng isang grupo ng magkakaibigan makaraang malunod at namatay ang dalawa sa kanila habang nailigtas naman ang isa pa kamakalawa ng hapon sa Purok Maligaya, Barangay Ransohan sa lungsod na ito. 

Sa ulat ni PLt. Col. Ryan Hernandez, chief of police dito, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Salvador, 22, at Jaime, 21, habang nasa maayus ng kundisyon sa ospital si Shaun, 18, pawang mga residente ng Barangay Calumpang, Tayabas City. 

Batay sa imbestigas­yon, ala-1:00 ng hapon ay nagtungo sa Alena Armiya beach resort ang mga biktima at iba pang mga kaibigan upang mag-outing. 

Habang nagtatampisaw, nagtungo umano sa mababaw na parte ng dagat ang tatlong biktima subalit dahil sa lakas ng alon ay tinangay sila patungo sa malalim na bahagi. 

Maya-maya ay nakita na lamang na nagkakakawag at humihingi ng saklolo si Salvador kaya’t sinubukan siyang sagipin nina Jaime at Shaun subalit maging sila ay lumubog din. 

Mabilis namang nag­responde ang iba nilang mga kaibigan at kaanak at narekober ang katawan nina Jaime at Shaun subalit hindi na nakita si Salvador. 

Pagdating sa ospital, hindi na rin naisalba ang buhay ni Jaime habang makalipas ang isang oras ay natagpuang wala nang buhay si Salvador.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with