^

Metro

Parents Values Formation Program inilunsad ng Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Matapos ang Tacloban shooting

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Quezon City government ang ­Parents Values Formation Program upang maprotektahan ang mga kabataan at maiwasan ang karahasan sa mga paaralan kasunod ng pamamaril sa Tacloban City.

Ayon kay QC Majority Floor Leader Aly Medalla, agad na ipinatupad ang programa sa utos ni Mayor Joy Belmonte upang matiyak na hindi mangyari sa Quezon City ang katulad na insidente. Katuwang ng lokal na pamahalaan ang Department of Education (DepEd) at Quezon City Police District sa pagpapatibay ng seguridad sa mga paaralan.

Kasabay nito, tinatalakay sa Sangguniang Panlungsod ang panukalang School Safety and Child Protection Ordinance upang higit pang mapalakas ang proteksyon sa mga mag-aaral.

Nasa 33 kaso na ng cyberbullying ang nare­solba sa Quezon City sa tulong ng Philippine National Police at iba pang ahensiya. Isinusulong din ng lungsod ang mas mahigpit na paggamit ng cellphone sa loob ng paaralan para lamang sa educational purposes at ang pagharang sa mga website na walang kaugnayan sa pag-aaral.

Hinikayat niya ang mga magulang at guro na bantayang mabuti ang paggamit ng social media at online gaming­ ng mga kabataan at nagbabala na may mabigat na parusa ang mga lalabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 at Anti-Bullying Act of 2013.

LGU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with