^

Pang Movies

Angela, para raw si Nadine

Salve V. Asis - Pang-masa
Angela, para raw si Nadine
Angela

MANILA, Philippines — Napapansin ng mga manonood ang acting ng alaga ng Viva Artists Agency na si Angela Muji.

Very promising daw ito at may potential na ma­ging mahusay na actress tulad ni Nadine Lustre.

Particular nilang napansin si Angela sa mga eksena niya sa series na Dating Alys Perez.

Buhos na buhos daw ang emosyon nito kaya’t dalang-dala ang mga mano­nood.

“Bakit gano’n? Bakit ayaw mawala nung sakit? Hindi ko na kaya! Hindi ko na kayaaaaa!” aniya sa isang eksena.

Kaya naman ang mga sumusubaybay sa Dating Alys Perez panay ang ‘hanash’ sa social media. 

Sobrang galing daw ni Angela at gusto nila itong yakapin nang personal.

“I’ve watched this scene over and over again. But it still gives me goosebumps every single time. You nailed it Angela. So proud,” sabi ng isang sumusubaybay sa kuwento ni Alys.

Literal daw na ‘kinain’ niya ang role at nag-mature na ito.

Pang-best actress na raw ito.

At ang wish nila, magkaroon ng entry sa Metro Manila Film Festival ang tambalan nila ni Rabin Angeles na kilalang RabGel.

Sabagay ganyan dati si Nadine Lustre. Napansin agad ang acting niya. 

Napansin agad ang acting niya. Ganun ngayon si Angela.

ANGELA MUJI.

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with