^

Metro

Chinese national nag-amok, inaresto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Chinese national nag-amok, inaresto
Inihahanda na ang pagsasailalim sa inquest proceedings sa reklamong Alarms and Scandals (Article 155 of the Revised Penal Code) at Malicious Mischief laban sa suspek na si alyas “Guo” residente ng Brgy. Tambo, Parañaque City.
Pixabay / File

MANILA, Philippines — Isang 34-anyos na Chinese national ang dinakip matapos mag-amok, magdulot ng takot sa mga kustomer at manira ng mga kasangkapan sa isang restaurant sa Parañaque City, Sabado ng gabi.

Inihahanda na ang pagsasailalim sa inquest proceedings sa reklamong Alarms and Scandals (Article 155 of the Revised Penal Code) at Malicious Mischief laban sa suspek na si alyas “Guo” residente ng Brgy. Tambo, Parañaque City.

Sa ulat ni Parañaque City Police chief PCol. Nicolas Piñon, dakong alas-9:41 ng gabi ng ­Hulyo 11 nang pumasok sa Pares Hub sa Quirino Avenue, Brgy. Tambo ang galit na galit na suspek at naghahamon ng away sa kahit sinong nasa loob.

Walang pumatol sa suspek kaya nagsimula nang magwala at manira ng gamit, dahilan upang mapilitang magsara na lang ng maaga sa normal na store hours ang food hub.

Nagkataong nagpapatrolya sa lugar ang mga tauhan ng Parañaque Police kaya inaresto ang dayuhan.

ARTICLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with