Valenzuela LGU, CCEAP palalakasin Plastic Recovery Program
MANILA, Philippines — Palalakasin ng Valenzuela City government City Environment and Natural Resources Office (CENRO), Brgy. Ugong at Coca-Cola Europacific Aboitiz Philippines (CCEAP) ang pagpapatupad ng Tapon to Ipon Program kasunod ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA).
Sa isinagawang ceremonial signing noong Hulyo 3 sa Valenzuela City Hall, nagkaloob ang CCEAP ng isang baling machine na inilagay sa Material Recovery Facility (MRF) ng Brgy. Ugong na inaasahang magpapabilis sa pangongolekta, pag-compress, at pagre-recycle ng mga PET o polyethylene terephthalate plastic bottles.
Sinabi ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, makatutulong ang karagdagang pasilidad upang mapalakas ang plastic recovery operations ng barangay, mahikayat ang tamang paghihiwalay ng basura, at gawing mas madali at episyente ang pagre-recycle sa komunidad. Layunin din nitong mabawasan ang dami ng plastik na napupunta sa mga tambakan at daluyan ng tubig.
Aniya, bukod sa sentro ng industriya ang Valenzuela target nila ang isang malinis, maayos, at mas ligtas na lugar para sa mga residente.
- Latest

















