Netizens, ipinagtanggol ang AI sa Sigabo!

Imbes na batikusin ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa isang wedding scene ng Sigabo, mas marami pang netizens ang nagtanggol sa serye ni Coco Martin.
Para sa kanila, wala namang masama sa paggamit ng bagong teknolohiya kung makakatulong ito para mas gumanda ang palabas.
Sabi nga ni Facebook user Rodrigo De Vera Jr., “They can make use of the technology. Wala namang nagbabawal gamitin ‘yan unless may issue ng copyright or intellectual property rights.”
May mga nagpunto rin na matagal nang ginagamit ang AI sa paggawa ng mga pelikula at serye. Patok pa nga ngayon sa social media ang mga short Asian drama na gumagamit ng AI. Komento naman ni Facebook user Romil Skie, “Tagal naman na ginagamit ‘yang AI sa movie.”
Para naman kay Facebook user Johlanne Mae Lima, ang mahalaga ay nag-e-enjoy ang mga manonood. “Importante masaya ang mga nanonood, kakaloka kayo,” aniya.
Saka, ilang segundo lang naman ang AI-generated scene at hindi naman ito buong episode, kaya para sa marami ay wala namang dapat pagtalunan. Wala rin naman ding nawalan ng trabaho bagkus mas dumali pa ang kanilang trabaho.
Samantala, makikita mo rin talaga ang passion ng mga tao sa likod ng Sigabo na pagandahin ang serye dahil kamakailan nga ay dumalo ito sa compliance seminar ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB, kung saan sila ay nag-usap tungkol sa itinatakbo ng serye.
Ayon sa direktor ng serye na si Malu Sevilla, naging malaking tulong ang naging pag-uusap dahil mas naunawaan ng magkabilang panig ang kani-kanilang pananaw tungkol sa serye.
“We are all here to help this industry. So kung itinataas mo ang level ng entertainment at medyo nagfa-falter kami, we appreciate the help,” ani Sevilla.
Sa huli, ang importante naman talaga ay mapaganda ang serye para sa mga manonood. Mukhang iyan talaga ang hangarin ng production.
- Latest



















