^

Metro

Kalye sa Maynila, isasara para sa NPW

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng traffic advisory ang Manila Police District (MPD) para sa mga motorista na maapektuhan ng mga pagsasara ng kalye at rerouting sa lungsod ng Maynila para bigyang-daan ang isasagawang National Peace Walk 2026 for the West Philippine Sea.

Ngayong Linggo, si­mula alas-5:00 ng mada­ling araw ay isasara na ang kahabaan ng Ro­xas Blvd. patungong Hi­laga, mula Katigbak Drive hanggang P. Quirino Ave.; ang kahabaan ng Roxas Blvd. patungong Patimog mula Katigbak hanggang P. Gil.; at ang Kalaw Ave. mula M.H. del Pilar hanggang Roxas Blvd.

Pinapayuhan na gu­mamit ng alternatibong ruta ang mga mga Truck at Trailer truck na manggagaling sa Delpan area na balak dumaan sa Southbound lane ng Roxas Blvd. ay dapat lumiko pakaliwa sa P. Burgos Ave. diretso sa Finance Road patungo sa destinasyon.

MPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with