Atasha, kinakainggitan sa Annie Batungbakal?!

Bongga rin ang ibang netizens, parang may ambag sa Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical.
Na hindi pa man nila napapanood si Atasha na gumanap bilang Annie Batungbakal, may judgment na kaagad.
Hindi raw nito kaya ang role. May ibang aktres daw na bagay dito.
May mga binabanggit silang pangalan.
Wow as if naman nabasa na nila ang script at alam na nila ang rason kung ba’t siya ang napisil na gumanap sa nasabing role.
But anyway, ang duda may isang young actress na gustong makuha ang nasabing role kaya may pattern ang bashing.
Hanash kasi ng iba napakarami raw mahuhusay na aktres.
Producer ba sila?
Hahaha.
Hay bashers will always be bashers. And no matter what you do, some of them will criticize or judge you.
Tiyak na paghuhugutan pa ito ni Atasha para mas galingan pa niya ang pagganap sa Annie Batungbakal.
- Latest





















