Bea, may konek sa eleksyon ang ginagawa

Naging busy na si Bea Alonzo sa kanyang bagong teleserye sa GMA na Whispers From Heaven. Huli siyang napanood sa Widows’ War noong 2024.
Nagpasilip ang Kapuso network ng isang eksena ni Bea kasama sa eksena si Maricar Reyes na first time mag-teleserye sa GMA. “I am very happy and fortunate na magpo-produce ng ganitong klaseng materyal ang GMA. It took me a year before I could say yes to a project kasi napaisip ako, this is my 25th year in the industry. And I thought sa susunod kong proyekto na gagawin that it should be bigger than me. Dapat ‘yung salvation na sa mga sumuporta sa akin, hindi na tungkol sa akin.
“I’m happy na ito ‘yung project na ‘yon, lalung-lalo na it’s very timely because mag-eeleksyon sa 2028, and magandang ipinapakita natin sa kanila kung ano ‘yung epekto ng boto nila,” sey ni Bea sa politically themed drama series.
Jeff, na-in love sa teatro
Happy ang Sparkle talent na si Jeff Moses dahil sa panibagong musical na kasama siya na Bongga Ka, ‘Day! The Annie Batungbakal Musical.
Noong mag-audition daw siya para sa role na Romer Pasion, higit na 400 na tao ang nakasabay niya. “That’s why I was genuinely surprised and grateful when I found out I got the role. I’m really happy to have the opportunity to portray Romer, and it’s an honor to share this journey alongside Sam Concepcion and Anthony Rosaldo,” sey ni Jeff na huling napanood sa entablado sa Bagets The Musical.
Nakakaadik daw pala ang mag-perform sa stage lalo raw kung nagagamit niya ang talent sa pagkanta at pagsayaw. “I think I got bitten by the theater bug. I really fell in love with the craft, and ever since then, I’ve wanted to do more musicals. I’m looking forward to bringing my best self everyday and giving life to Romer in the most honest way I can,” sey ng aktor na ni-launch noong 2022 bilang part ng Sparkada ng Sparkle GMA Artists Center kung saan ka-batch niya sina Michael Sager, Vince Maristela, Roxie Smith, Sean Lucas, Cheska Fausto at iba pa.
Pitt at Hacks, apaw ang nominasyon sa Emmy
Ang medical drama na The Pitt at ang comedy series na Hacks ng HBO Max ang nakakuha ng pinakamaraming nominations sa 78th annual Primetime Emmy Awards.
The Pitt na tungkol sa mga pangyayari sa isang trauma medical center received 25 nominations. Samantala, ang Hacks na tungkol sa pinagdaraanang pagsubok sa buhay ng isang stand-up comedian sa Las Vegas ay nakakuha ng 24 nominations.
Ang iba pang nakakuha ng multiple nominations ay Widow’s Bay (19) at Pluribus (18) ng Apple TV at Beef (16) ng Netflix.
Magaganap sa Sept. 14 sa Peacock Theater in Los Angeles ang awards night ng Primetime Emmy Awards hosted by Mariska Hargitay.
- Latest






















