Anne at Jasmine, ipinaghiganti ng korte!

Hindi ko gaanong naintindihan ang legalidad ng show cause order na inilabas ng Supreme Court kina Congressman Bong Suntay at Atty. Ferdinand Topacio kaugnay sa kanilang mga binitiwang pahayag sa magkakapatid na Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith.
Nagsimula ito sa mga sinabi ni Congressman Suntay tungkol kay Anne na isang pambabastos ang dating sa lahat .
Lumawak na ang isyung ito at nagsalita rin si Atty. Topacio na inalmahan ng karamihan, lalo na ang mga kababaihan.
Pati ang Gabriela Party-list representative Sarah Elago ay kasama rin sa nadamay ng nakaka-offend na komento.
Lumabas sa social media ang resolution na ito ng Supreme Court, at marami na ang pumik-ap.
Ayon sa lumabas na resolusyon, ang isyung ito ay maituturing na administrative complaint na puwedeng umabot sa disbarment nina Atty. Topacio at Cong. Suntay na isa ring abogado.
Kaya sa show cause order ay pinapagpaliwanag daw sina Cong. Suntay at Atty. Topacio sa mga binitiwan nilang pahayag.
Wala kaming ideya kung ano ang kahihinatnan nito, at kung may mabigat na basehan ba para ma-disbar sila.
Nagtanung-tanong ako sa ilang nakakaintindi sa batas at itong aksyon ng Supreme Court ay hindi raw kailangang may magsampa ng complaint.
“Moto propio” raw ang tawag dito, na ayon sa Google, ang meaning nitong Latin phrase na ito ay ‘of his own.’ “It describes an official action, investigation, or legal ruling taken by an authority – such as a judge, court, or the Pope—on their own initiative, without a formal request or petition from an outside party.”
Kaya, wala raw complaint o request na isinumite ang magkapatid na Anne at Jasmine, kahit si Rep. Elago ng Gabriela.
Medyo unusual daw ito na inaksyunan ng korte kahit walang may nagsampa ng reklamo. Mismong ang korte na ang kumilos para na rin sa proteksyon ng mga kababaihan.
Magtatanong pa sana ako kay Atty. Joji Alonso ng Quantum Films, pero wala na pala sa socmed account niya itong lumabas na resolution.
Aabot kaya ito sa disbarment?
Student short filmfest, ibinalik ng MMFF
Maganda ang mga ibinahaging balita nina Atty. Don Artes, ang chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na siyang nangangasiwa ng Metro Manila Film Festival (MMFF).
Sa kick-off ng 52nd MMFF na ginanap sa Greenhills Mall noong Martes, sinabi ni Atty. Don Artes na may deal na sila with Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) na babaan ang presyo ng ticket sa darating na MMFF.
Maximum na presyo ng ticket ay P299. Puwede pa raw babaan ito depende sa sinehan, lalo na sa mga probinsya depende sa deal sa LGU o local government unit.
Sa mga regular na sinehan iyon applicable — hindi kasali ang mga specialty cinemas at Director’s Club. “Kasi siyempre, iyong specialty cinemas, ilang seats lang iyon. At may cost siyempre sa sinehan iyon,” paliwanag ni Atty. Don Artes.
“Kaya hindi po makakasama. Pero again, ‘yung P299 ay maximum limit po iyan for regular cinemas, at puwede pa pong bumaba iyan depende po sa lugar. So i-expect po natin, meron pang P200… P250, depende po sa lugar.”
In-announce na rin doon na ang Best Picture nung MMFF 2025 na I’mPerfect ay ie-exhibit sa Lucania International Film Festival sa Italy ngayong August. Suportado rin ito ng MMFF.
Sabi naman ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Joey Reyes na kasama rin sa MMFF ExeComm ay nag-anunsiyo na ibabalik na ‘yung student short film contest.
Open daw ito sa lahat ng college at high school students. May P100,000 na grand prize para sa mananalong five-minute film.
Ito’y sa pakikipagtulungan din ng MMFF, FDCP at Film Academy of the Philippines (FAP).
First time rin sa MMFF, tatlo na ang host cities: Mandaluyong with Mayor Menchie Abalos, San Juan with Mayor Francis Zamora, at Bacolod with Mayor Greg Gasataya. Dadalhin ang mga pelikula at promo at parada sa Bacolod sa Disyembre kaya’t kaabang-abang talaga ito!
Sabi pa ng MMDA Chairman Atty. Don Artes; “We want to cover as many areas as possible. “Iiikot natin iyan. So, simula pa lang ito. Alam n’yo naman, lahat ng innovations natin na magaganda, hindi natin inili-limit dito lang sa Metro Manila, kundi sa buong Pilipinas.”
Wala pa silang napagkasunduan kung saan gaganapin ang awards night.
Pati ang parada ay napagdesisyunan na kung saan magsisimula at kung saan magtatapos.
Ani Atty. Artes, “Definitely we’ll start... nag-usap na po kami, mag-i-start sa Mandaluyong, then iikot po sa San Juan. Mag-e-end po sa Pinaglabanan Shrine.”
May Parade of Stars din sa Bacolod! “Iyong tentative date namin, I think, ay Dec. 11 sa Bacolod. At Dec. 19 naman po sa Mandaluyong at San Juan,” sambit ng MMDA chairman.
Kumpleto na ang genre sa apat na entry na in-announce: comedy ang sa The Greatest Showdown, horror ang Haunted Carnival, drama naman ang 2nd Miracle in Cell No. 7 at fantasy-drama naman ang Amir.
- Latest

























