Ibang producers, aligaga sa paghahabol sa MMFF

Inanunsyo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman at over-all chairman ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na si Atty. Don Artes ang unang apat na pelikula na pasok sa Top 8 official entries para sa ika-52nd MMFF na magsisimula sa araw ng Pasko, Dec. 25, 2026.
Hindi pa man kumpleto ang talaan ng Magic 8 films sa MMFF dahil ang natitirang apat ay naka-base sa finished products na nakatakdang ianunsyo in a couple of months.
Paspasan naman ngayon ang ginagawa ng ibang film producers na matapos ang kanilang mga ginagawa na makakasama sa pagpipilian para sa natitirang final 4 entries.
Ang pagsasama sa pelikula sa unang pagkakataon nina Vic Sotto at Vice Ganda ay magki-create rin ng history sa larangan ng movie and TV industry maging sa kasaysayan ng MMFF.
Atasha, ‘di pa rin makapaniwala
It’s a full circle moment para sa twin sister ng actor na si Andres Muhlach na si Atasha Muhlach, mga anak ng celebrity couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach ang pagkakapili sa kanya to portray the immortalized character ni Annie Batungbakal sa much-awaited musical na Bongga Ka, ‘Day: The Annie Batungbakal Musical.
Magaganap simula this September 2026 sa The Newport Performing Arts Theater kung saan siya unang nagtanghal nung 2011 para sa local production ng The Sound of Music.
Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala si Atasha na ang iconic character na Annie Batungbakal created by the Filipino Sound band, ang Hotdog ng magkapatid na Dennis at Rene Garcia which was immortalized into a movie ng yumaong superstar at National Artist for Film and Broadcast na si Nora Aunor nung 1979 at pinamahalaan ng yumaong director na si Maryo J. de los Reyes ay gagampanan niya.
Dahil sa matagumpay na kolaborasyon sa pagitan ng Newport World Resorts, The Philippine STAR at Viva Communications sa hit musical play na Bagets: The Musical na pinangunahan naman ng twin brother ni Atasha na si Andres Muhlach, muling nagsanib-puwersa ang tatlong company giants para sa kanilang follow-up musical project, ang Bongga Ka, ‘Day: The Annie Batungbakal Musical na pinamamahalaan ng theater veteran na si Chris Millado.
Kasama ni Atasha sa nasabing musical play base sa hit songs na pinasikat ng Hotdog band nung dekada sitenta sina Sam Concepcion, KD Estrada, Anthony Rosaldo, Jeff Moses, John ‘Sweet’ Lapus, Jackie Lou Blanco at marami pang iba.
The group was presented in a grand media conference na ginanap sa The Grand Bar & Lounge ng Grand Wing, Newport World Resorts nung nakaraang Martes, July 7, 2026, ng hapon. Nagpakita ang cast ng excerpts ng mapapanood sa Newport Performing Arts Theater simula sa September.
- Latest




















