Bela, nasobrahan ng pagiging pakialamera?!
Noon pa man ay may lumalabas na blind item tungkol sa isang aktres na nakikialam daw sa mga eksena, kaya nag-decide raw ang produksyon na tanggalin na lang at patayin na ang karakter nito.
Iisa lang ang hula ng karamihan na si Bela Padilla ito na gumaganap bilang si Lara sa Blood vs Duty.
Mahalaga ang karakter na ito sa kuwento ng naturang teleserye, kaya ang buong akala namin ay hanggang ending doon si Bela.
Sinusubaybayan ko sa Netflix ang Blood vs Duty na merong 80 episodes. Nagulat na lang ako pinatay na si Lara sa ika-66th episode.
Totoo kayang pati raw eksena ng ibang co-actors ay pinapakialaman niya? May kuwento pang napapadalas daw ang pagsa-suggest niya kung ano ang magandang pag-handle sa isang eksena, pero hindi naman daw ito sinusunod.
Kung totoo man ito, iniisip kong sobrang involved lang siguro si Bela sa teleseryeng ito dahil maganda naman kasi ang kuwento.
Bilang isang direktor at writer din si Bela, maaaring marami siyang ideas na sa tingin niya lalong ikagaganda ng seryeng ito.
Ruru, excited sa anak ni Rere
Excited si Ruru Madrid sa Cinemalaya movie niyang Hand Of God na dinirek ni Mark Duane Angos.
First Cinemalaya movie niya pala ito, at nagpapasalamat siya sa pelikulang Green Bones, dahil magmula nang mapansin at manalo siya sa pelikulang ito, mas dumami ang nagkainteres na kunin siya.
Tatlong pelikula ang nagawa niya ngayon kaya’t masayang-masaya siya.
Sabi ni Ruru, maganda ang mensahe nitong Hand Of God, at ibang-iba raw ito sa mga nagawa niya. Kaya kahit nagsisimula na siya ng taping sa drama series niyang Hari ng Tondo, isiningit niyang i-shoot ito sa Basilan.
Ang Cinemalaya ay magsisimula sa Aug. 6 hanggang 18 na gaganapin sa Shangri-La Mall cinemas.
Nagpa-presscon na ang Cinemalaya 2026 na ginanap sa Shangri-La Mall kahapon, at excited si Ruru nang makatsikahan namin doon.
Pero ang isa munang pinag-usapan namin ay ang kapatid niyang si Rere na nagpakasal kay Kai Sotto.
Aminado si Ruru na sobrang nabigla siya nang malaman niya ang kalagayan ni Rere. “Actually, mas naunang nalaman ni Bianca (Umali),” napangiting pakli ng Kapuso actor.
“Ahhh and then nung nalaman ni Bianca, siya na ang nagsabi sa akin. Kasi natatakot si Rere na i-open sa akin.
“So, sabi ko, wala naman siyang dapat ikatakot kasi parang like for example, with Kai, sobrang bait na tao rin at mahal niya ‘yung pamilya niya. So kung gaano kamahal ‘yung pamilya niya, ganun din ang pag-aalaga na ibigay niya sa kapatid ko,” saad nito.
Nung una raw niyang nalaman, iba siyempre ang initial reaction niya. “Siyempre, immediate reaction ko parang nagulat pero bilang kuya, siyempre dati mahigpit ako sa mga kapatid ko. Pero si Bianca ang nagpapaalala sa akin na matatanda na ‘yung mga kapatid ko. May kanya-kanyang buhay na kami.
“Kumbaga, mas gugustuhin natin na magtiwala sa ‘yo ‘yung mga kapatid mo, para makapag-open pa rin sila. So, kailangan mo ibigay ng space para matuto sila.
“So, from that moment, tinanggap ko na. Okay. Matatanda na ‘tong mga kapatid ko, hayaan ko sila.Ngayon, super close na kaming magkakapatid,” sabi pa ni Ruru.
Sobrang excited daw siya sa kanyang magiging first pamangkin.
“Super!” bulalas ni Ruru.
“Kasi ano ‘to e. Parang may possibility na maging NBA ‘di ba? So, actually si Rere at si Kai, very excited. And to be honest, first time kong makita ‘yung kapatid ko na ganun kasaya.
“Sabi ko nga, baka ito na ‘yung maging calling niya na parang ever since parang nahihirapan siya na ano ba ‘yung gusto niyang gawin sa buhay niya.
“But now, ‘yun po e. Kumbaga, ‘yung maging isang ina. Maging isang nanay. Sabi ko sa kanya, ‘Re, baka ‘yan talaga. Baka ‘yun ang inadya ng Panginoon sa ‘yo. So, blessing ‘yan para sa atin,” saad ni Ruru.
Pagkatapos ng kasal nina Rere at Kai, hindi naman daw sila na-pressure ni Bianca Umali kung kailan naman sila. “Definitely, lagi naming napapag-usapan. Pero, it’s a matter of kung kailan ba ang pinakatamang timing. Kasi, you know, we’re doing lots of things na dati pinangarap lang po namin. Siyempre, we want to maximize that. But definitely, when it comes sa pagpapakasal, wala namang makakapagsabi kung kailan ‘yan,” katuwiran pa ng Kapuso actor.
- Latest



















