^

PSN Showbiz

58th, nanalo sa New Zealand

Pilipino Star Ngayon
58th, nanalo sa New Zealand
GMA pictures EVP at SVP for GMA Public Affairs Nessa Valdellon

Nagwagi ang animated documentary film ng GMA Public Affairs at GMA Pictures na 58th ng Facing the Edge Award sa 2026 Doc Edge Festival, ang premier documentary festival at Academy Awards-qualifying event sa New Zealand.

Kinilala ang 58th bilang isa sa mga pelikulang nagdala sa mga manonood “to the boundary of justice, technology, love, and what it means to be human in a shifting world.” Ang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni award-winning filmmaker Carl Joseph Papa at pinagbibidahan ni Sparkle star Glaiza de Castro.

Pinatibay lalo ng award ang growing international success ng pelikula kasunod ng official selection nito sa 2026 Annecy International Animation Film Festival sa France, at ang pagpapabilang nito sa Top 10 Audience Choice Films sa 2026 International Film Festival Rotterdam sa Netherlands.

Ginugunita ng 58th ang Maguindanao Massacre na itinuturing na isa sa mga madugong trahedyang hinarap ng journalists sa kasaysayan.

Habang nagbibigay-pugay sa mga biktima, binibigyang-diin ng pelikula ang hindi pa nareresolbang kaso ni Reynaldo “Bebot” Momay, na tinuturing na pang-58 na biktima.

Inalay ni GMA Pictures Executive Vice President at Senior Vice President for GMA Public Affairs Nessa Valdellon ang award para sa mga biktima ng Maguindanao Massacre.

Nagsilbi ring Wayfinder si Valdellon sa Doc Edge Pitch, kung saan nag-mentor siya ng documentary filmmakers sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay, feedback at industry insights para makatulong sa pag-develop ng makabuluhang documentary projects.

Sa paggamit ng animation at archival footage, naipakita ng 58th sa mga mas nakababatang audience at global viewers ang isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas. Tinatalakay ng pelikula ang mga usapin sa malayang pamamahayag, demokrasya, karahasang may kinalaman sa eleksyon, impunity at accountability.

Ang pagkilalang ito ng Doc Edge sa 58th ay patunay ng commitment ng GMA Public Affairs at GMA Pictures sa paggawa ng mga world-class at socially relevant na pelikulang Pilipino.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with