Paslit humiga sa kalsada, napisak ng SUV
MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 10-anyos na batang lalaki nang masagasaan ng isang sports utility vehicle (SUV) matapos humiga sa kalsada sa Brgy. Balingasa, Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.
Sa naantalang ulat sa Quezon City Police District Traffic Sector 1, alas-9:00 ng gabi ay nakita sa CCTV na naglalaro ang bata sa Anahaw St., Brgy. Balingasa ng nabanggit na lungsod.
Nang bigla umano itong humiga sa kalsada at pagkatapos ay umupo na siya namang pagdating ng SUV na minamaneho ni alyas “Al”, 55.
Nasalpok ang biktima at pagkahiga ay nasagasaan pa ito.
Agad nadala sa ospital ngunit kalaunan ay namatay din ito habang nilalapatan ng lunas.
Ayon kay Santoceldes, tila hindi napansin ng driver ang bata dahil pababa ang kalsada kaya nasalpok at nasagasaan niya ang bata.
Tumakas naman ang suspek, subalit sa ginawang follow-up operations agad din itong naaresto at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang driver.
- Latest




















