^

Probinsiya

Klase sa Camarines Norte sinuspinde sa bantang panggugulo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Klase sa Camarines Norte sinuspinde sa bantang panggugulo
Map of Camarines Norte with Basud highlighted.
Wikimedia Commons

DAET, Camarines Norte, Philippines — Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Camarines Norte ang pasok sa eskwela sa lahat ng antas, pampubliko o pribadong paaralan matapos na kumalat sa social media ang mga pagbabanta ng panggugulo ng ilang grupo sa loob ng mga eskuwelahan. 

Sa inilabas na general advisory ni Gov. Ricarte “Dong” Padilla, noong Linggo ay inabisuhan nito ang lahat ng educational institutions sa buong lalawigan na suspendihin muna ang pasok kahapon, dahil sa mga banta sa seguridad.

Habang nag-iimbestiga ang mga otoridad, nais naman nilang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga mag-aaral, guro, school personnel, at ma­ging ng publiko.

Kasunod ng kautusang na class suspension, pina­yuhan na lamang ang lahat na maghanda na muna sa epekto ng paparating na super typhoon sa bansa.

Sa halip na gawin ang face-to-face classes ay agad nagpatupad ng alternative delivery moda­lity ang ilang paaralan sa iba’t ibang bayan sa lalawigan gaya ng Vinzons Pilot High School; Camarines Norte National Highschool; ­Moreno Integra­ted School; Daet Integrated School; Alawihao National Highschool; at Paracale National Highschool.

Sa panig ng Police Regional Office 5, sinabi ni regional spokesperson Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib na wala pa silang natatanggap na ulat hinggil sa pagbabanta.

SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with