^

Metro

Call center agent, patay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Call center agent, patay!
Dead-on-arrival na sa pagamutan ang biktimang si alyas “James”, binata, nasa hustong gulang at residente ng G. Araneta Avenue, Quezon City bunsod nang tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan. 
FIle

Motorsiklo nag-dive sa tulay

MANILA, Philippines — Isang call center agent ang nasawi matapos na tumilapon sa ibaba ng tulay nang mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at bumangga sa concrete bridge barrier sa Pandacan, Maynila kamakalawa. 

Dead-on-arrival na sa pagamutan ang biktimang si alyas “James”, binata, nasa hustong gulang at residente ng G. Araneta Avenue, Quezon City bunsod nang tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan. 

Lumilitaw sa paunang ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) na dakong alas-6:30 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Zamora Link Bridge, sa Pandacan. 

Kasalukuyan umanong minamaneho ng biktima ang isang Honda Click motorcycle (189-XYI) at binabagtas ang ibabaw ng tulay nang bigla itong mawalan ng kontrol sa motorsiklo at bumangga sa concrete bridge barrier. 

Dahil sa tindi ng impact nang ­pagkakabangga, tumilapon ang biktima at nahulog sa ibaba ng tulay na nagresulta sa matin­ding pagkasugat. 

Kaagad namang nakaresponde ang medical team mula sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at isinugod ang biktima sa Sta. Ana Hospital para sa emergency medical attention ngunit idineklara na ring patay ng mga doktor.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with