^

Probinsiya

Puganteng Koreano timbog sa Pampanga

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Puganteng Koreano timbog sa Pampanga
Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang pugante na si Kim Soo, 41, na nahuli sa isang resort matapos ang palitan ng impormasyon at koordinasyon ng mga awtoridad ng Pilipinas at South Korea.
STAR / File

 

MANILA, Philippines — Isang South Korean national na “wanted” sa batas dahil sa iba’t ibang kasong criminal sa kanyang sariling bansa ang inaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa isang koordinadong operasyon sa Clark Freeport, Pampanga noong Hunyo 28.

Isinagawa ito ng BI sa pakikipagtulungan ng Philippine Air Force (PAF), Clark Development Corporation Public Safety Division, at ng mga awtoridad ng Timog Korea.

Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang pugante na si Kim Soo, 41, na nahuli sa isang resort matapos ang palitan ng impormasyon at koordinasyon ng mga awtoridad ng Pilipinas at South Korea.

Ayon sa BI, ang operasyon ay nag-ugat sa impormasyong ibinigay ng PAF, na nagresulta sa matagumpay na pagkatunton at pagkaaresto sa dayuhang pugante.

Si Kim ay pinaghahanap ng Cheongju District Court sa South Korea dahil sa umano’y paglabag sa Narcotics Control Act ng kanilang bansa. Inakusahan siya na nagpapatakbo ng isang Telegram-based na iskema sa pamamahagi ng droga, nag-aanunsyo at nagbebenta ng mga ilegal na narkotiko, kabilang ang cocaine at mga cartridge ng abaka, habang tumatanggap ng bayad sa pamamagitan ng cryptocurrency. Siya rin ay paksa ng isang aktibong Interpol Red Notice.

Sa tala ng BI, huling pumasok si Kim sa Pilipinas noong Abril 2022 bilang isang pansamantalang bisita ngunit hindi pinalawig ang pananatili, na dahilan upang maideklarang overstaying alien. Dati na rin siyang inilagay sa blacklist at watchlist ng Bureau bilang isang “fugitive from justice”.

TIMBOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with