^

Probinsiya

Lending collector itinumba sa Camarines Sur

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

IRIGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Bulagta sa harap ng isang grocery store ang isang kolektor ng lending company matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang gunman sa Zone-5, Brgy. Perpetual Help, Iriga City, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Napuruhan ng mga punglo sa katawan at agad nasawi ang biktima na kinilalang si Edgar, nasa hustong gulang, kawani ng hindi na binanggit na lending company mula sa bayan ng Pili.

Sa ulat, alas-7 ng umaga habang nanini­ngil ang biktima sa harap ng isang tindahan nang lapitan ng nag-iisang gunman na nakasuot ng puting t-shirt at sumbrero. Sa hindi malamang dahilan ay walang kaabog-abog na pinagbabaril ito sa katawan na duguang bumulagta. Makaraan ang pamamaril ay naglakad ang suspek patungo sa isang motorsiklo at tumakas papunta sa direksyon ng Brgy. San Agustin.

Rumesponde ang mga pulis at nakuha nila sa lugar ang ilang basyo ng bala mula sa Kalibre 45.

Isinantabi ang motibo nang panghoholdap o pagnanakaw dahil wala namang nawala at kinuha sa gamit ng biktima.

Tinututukan sa imbestigasyon ay ang natatanggap umanong pagbabanta sa biktima bago siya pinaslang.

EDGAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with