^

Probinsiya

2 motorista todas sa Cotabato ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
2 motorista todas sa Cotabato ambush!
Sa magkahiwalay na ulat ng Pikit Municipal Police Station at ng mga local executives, mabilis na nakatakas ang mga pumatay sa mga biktima na kinilalang sina Badruddin Nunungan, 27-anyos, at Midtimbang Basnarin, 27, na nagtamo ng mga maselang tama ng mga bala sa kanilang mga katawan na kanilang ikinasawi.
STAR/File

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang motoristang Moro ang agad namatay sa mga tama ng bala matapos silang tambangan at pagbabarilin sa Pikit, Cotabato nitong Biyernes. 

Sa magkahiwalay na ulat ng Pikit Municipal Police Station at ng mga local executives, mabilis na nakatakas ang mga pumatay sa mga biktima na kinilalang sina Badruddin Nunungan, 27-anyos, at Midtimbang Basnarin, 27, na nagtamo ng mga maselang tama ng mga bala sa kanilang mga katawan na kanilang ikinasawi.

Ayon sa mga barangay officials at mga imbestigador na nag-responde sa insidente, magkaangkas sa isang motorsiklo sina Nunungan at Basnarin nang pagbabarilin ng M16 assault rifles ng mga lalaking nakaabang sa kanila sa gilid ng highway sa isang liblib na lugar sa Barangay Poblacion sa Pikit.

Ayon sa mga local executives sa Pikit, isa sa 17 na mga bayan sa Cotabato na sakop ng Admi­nistrative Region 12, may indikasyon na ang mga nag-ambush sa dalawang biktima ay mga residente lang din ng isa sa mga barangay na nasa teritoryo ng kanilang local government unit.

AMBUSH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with