^

Pang Movies

Kris, na-manifest si Ryzza Mae kay Bimby!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris, na-manifest si Ryzza Mae kay Bimby!
Kris

Ang galing naman ng netizens na nahalukay pa ang old video ni Kris Aquino noong nag-guest siya sa The Ryzza Mae Show ni Ryzza Mae Dizon 12 years ago.

That time ay eight years old pa lang si Ryzza at si Kris naman was at the pink of her health.

Sa nasabing show ay tinawag ng ng Queen of All Media si Ryzza na “my future daughter-in-law.”

Sey ni Kris, “good morning, Ryzza, my future daughter-in-law.”

Tanong naman ng child star, “ano po ‘yung daughter-in-law?”

Sagot naman ni Tetay, “manugang. Kung magkatuluyan kayo ni Bimby, magiging mommy mo na ‘ko.”

Natawa naman si Ryzza na at her young age then ay bibang-biba na.

Sey ulit ni Krisy, “mga ano pa, 20 years from now.”

Dagdag pa niya, “kasi 8 ka ngayon, 6 siya, ‘di okay na ‘yun, ‘pag 26 siya, 28 ka, pwede na.

At nakakatuwa naman na 12 years after, heto’t mainit nga ngayong pinag-uusapan ang tambalan nina Bimby at Ryzza Mae sa Eat Bulaga at marami ang kinikilig sa kanila. Mukhang magkakatooo nga ang sinabi ni Kris na magiging manugang niya ang dating child star na ngayon nga ay dalagang-dalaga na.

Aliw na aliw naman ang netizens na mina-manifest na pala ni Kris noon pa na maging manugang si Ryzza.

Bianca, todo pagdadalamhati kay Rene; Sofia, hindi totoong nagbigay ng sasakyan

Labis na ikina-touch ni Bianca de Vera ang larawan ng pamilya Baterbonia na nakatingin sa dagat sa Aurora kung saan nangyari ang aksidente sa Ateno Blue Eagles basketball player na si Rene Baterbonia.

Sa kanyang latest Facebook post ay ibinahagi ng aktres ang nasabing larawan at nagbigay ng madamdaming mensahe.

“Ang hirap at ang sakit tignan ng pamilya ni Rene sa ganitong kalagayan. Walang sapat na salita ang makapagsasabi kung gaano kabigat ang nararamdaman nila habang nakaharap sa malawak na karagatan ng Aurora. Kasama niyo kami sa inyong pagdadalamhati,” ang caption ni Bianca.

Kaagad namang ni-like ng netizens ang nasabing post at umani rin ng samut-saring reaksyon.

Speaking of Rene Baterbonia, hindi umano totoo ang tsikang binigyan ni Sofia Andres ng sasakyan ang pamilya ng yumaong basketbolista.

May tsika kasing kumakalat na nagbigay raw ng Toyota Hilux ang aktres sa mga magulang at kapatid ni Rene bilang tulong sa mga ito.

Ang kapatid daw ni Sofia na si Ian Andres ay ahente ng kotse at nag-post pa raw ito sa social media nito tungkol umano sa kotseng ibinigay.

Pero ayon naman sa ibang netizens, mali raw ang pagkakaintindi ng iba sa post ng kapatid ni Sofia.

Sabi ng isang commenter, “I think what he’s saying is his commission for this month will proceed to Rene’s fam not a car because he’s a car dealer.”

Anyway, wala pa namang paglilinaw si Sofia tungkol dito.

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with