Marcoleta, Defensor, 2 pa sasampahan ng plunder ng Ombudsman
MANILA, Philippines — Sasampahan ngayong linggo ng Office of the Ombudsman ng kasong plunder sina dating Cong. Mike Defensor, Senador Rodante Marcoleta at dalawang iba pa.
Ito ang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may kinalaman sa undeclared campaign contributions ni Marcoleta na may P75 milyon halaga.
Nag-ugat ang kaso sa ginawang pag-amin ni Marcoleta sa isang television interview na hindi niya na disclose ang campaign contributions mula sa kanyang mga kaibigan noong 2025 midterm elections dahil nais ng mga itong panatilihing anonymous ang pinagmulan ng pondo.
Sinabi ni Marcoleta na mula nang matanggap ang pondo isang buwan bago ang official campaign period ay naging “personal funds” ito sa ilalim ng Peñera doctrine na nagsasabing ang isang tao ay maikokonsedera lamang na kandidato sa pormal na pagsisimula ng campaign period.
Bukod kina Defensor at Marcoleta ay kakasuhan din ang negosyanteng si Joseph Varias Espiritu at Aristotle Baluyut Viray.
Sinabi naman ni Marcoleta na ang kaso sa Ombudsman ay layon lamang siyang patahimikin. Una nang nagpalabas ang Sandiganbayan ng precautionary hold departure order laban kina Marcoleta, Defensor, Espitiru at Viray kaugnay ng nasabing halaga na natanggap ni Marcoleta bago ang 2025 midterm election.
- Latest


















