Mpox naitala sa Mandaluyong
MANILA, Philippines — Kinumpirma ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ng Mandaluyong City na nakapagtala ito ng isang lokal na kaso ng Mpox.
Ayon sa lokal na pamahalaan, agad nang ipinatutupad ang case investigation, contact tracing, at monitoring upang mapigilan ang pagkalat ng sakit. Mahigpit ding binabantayan ng CESU, katuwang ang City Health Department at Department of Health (DOH), ang kalagayan ng pasyente at ng mga nakasalamuha nito.
Pinayuhan ang publiko na ugaliing maghugas ng kamay, iwasan ang direktang pakikipagkontak sa mga taong may hindi maipaliwanag na pantal o skin lesions, at magpakonsulta agad kung makaranas ng sintomas ng Mpox.
Hinimok din ang mga residente na kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga opisyal na ahensiya at igalang ang privacy ng pasyente upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon.
- Latest

















