Dagdag-singil sa SLEX, STAR iiral sa Hulyo 1

MANILA, Philippines — Simula Hulyo 1, 2026 ay ipapairal ang ikalawang dagdag-singil sa South Luzon Expressway (SLEX) at sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway.
Ito ang inanunsiyo ng Toll Regulatory Board na ang dagdag-singil ay bahagi ng naaprubahang toll adjustment para sa mga taong 2018, 2020, 2022, at 2024. Naipatupad ang unang bahagi ng taas-singil noong Enero.
Bagong toll sa SLEX:-Alabang–Calamba: Class 1 – P137, Class 2 – P274, Class 3 – P411 (dagdag na P11, P21, at P32)-Calamba–Sto.Tomas: Class 1 – P37, Class 2 – P74, Class 3 – P111 (dagdag na P3, P6, at P9)
Bagong toll sa STAR Tollway: Sto. Tomas–Lipa: Class 1 – P64, Class 2 – P128, Class 3 – P192; Lipa–Batangas City: Class 1 – P57, Class 2 – P114, Class 3 – P171; Sto. Tomas–Batangas City (end-to-end): Class 1 – P121, Class 2 – P242, Class 3 – P363.
Para sa end-to-end na biyahe sa STAR, madadagdagan ng P8 ang Class 1, P17 ang Class 2, at P26 ang Class 3.
Ayon sa TRB, gagamitin ang dagdag na kita para sa patuloy na operasyon at maintenance ng SLEX at STAR upang masiguro ang mas ligtas, mas mabilis, at mas maayos na biyahe ng mga motorista.
- Latest

















