Manny-Floyd rematch nadiskaril

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni world eight-division champion Manny Pacquiao ang postponement ng kanilang rematch ni Floyd Mayweather Jr.
Ito ay dahil na rin sa mga demandang kinakaharap ni Mayweather ngayon sa United States kung saan hindi na itinuloy ang nakaiskedyul na exhibition fight niya kay kickboxer Mike Zambidis sa Greece.
Inaasahan na ring mababasura ang planong exhibition bout ng 49-anyos na si Mayweather laban kay boxing legend Mike Tyson.
Nauna nang itinakda ang nasabing rematch sa Setyembre 25 at ipapalabas sa streaming platform giant Netflix.
Todo-ensayo pa naman ang 47-anyos na si ‘Pacman’ sa kanyang Pacquiao Prime Boxing Gym sa Los Angeles, California.
Tinalo ni Mayweather (50-0-0, 27 knockouts) si Pacquiao (62-8-3, 39 KOs) via unanimous decision sa kanilang mega fight noong Mayo 2, 2015 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Sa kanila namang rematch ay iginiit ni Pacquiao na ito ay dapat isang official fight at hindi isang exhibition bout kagaya ng gustong mangyari ni Mayweather.
- Latest
















