^

Pang Movies

Kris, tanggap na manugang si Ryzza Mae!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kris, tanggap na manugang si Ryzza Mae!

Nanggulat si Kris Aquino kahapon sa Eat Bulaga.

Dumating ito kung saan guest co-host ang anak niyang si Bimby.

Isa ito sa bihirang-bihirang pagkakataon na nagpakita sa publiko si Kris simula nang madiskubre ang kanyang sakit.

Suot ang puting kamiseta at itim na palda, tumayo sa audience area si Kris at sinalubong ng mga host.

Habang si Ryzza Mae Dizon, na inili-link sa anak ay lumapit sa Queen of All Media para batiin ito.

In all fairness, maganda ang awra nito at nagkalaman.

“Mag-kiss ka sa future mother-in-law mo,” paunang biro ni Kris kay Ryzza Mae na game na game namang ginawa.

“Doon sa nabalitaan kong nang-aapi sa’yo, don’t mind them because success is the best revenge,” payo niya pa rito.

Say pa ni Kris kay Ryzza: “Ang laki ng ginanda mo. Sa tingin ko dahil may nagpapaganda sa’yo,” habang nakatingin kay Bimby na siyempre ay ikinakilig ng mga andun.

 “Mahal ko kayong lahat, Dabarkads! Pwede ba akong maging guest host sa susunod?” Na siyempre ay ikinatuwa ng fans na andun sa studio ng TV5.

Nauna nang nagpasalamat si Kris sa pagtanggap kay Bimby sa noontime show ng TV5.

Maraming naka-miss sa kanya.

Lotlot at Matet, may laban kay Ian!

Kung may natitira man daw ari-arian ang pumanaw na National Artist/Superstar na si Nora Aunor, at pinaplanong ibenta ng biological son niyang si Ian de Leon, hindi raw pwede.

Kakailanganin daw talaga ng signature ng mga adopted children niya na sina Lotlot, Matet, Kenneth at Kiko de Leon ang anumang dokumento na kasama ang mga ampon ng namayapang iconic actress.

Lumalaki ang away ng mga naiwang anak ni Ate Guy dahil diumano sa mga mana na ikinalulungkot ng marami dahil nababahiran ng mga intriga sa pera buti raw sana kung malaking halaga ang pinag-aagawan. Sabi lang naman ‘yan ng ilang taga-showbiz.

Na tiyak na sila lang ang nakakaalam kung anuman ang naiwan.

Mga live streamer, paldo kay Alex Eala!

Ang laki rin siguro ng kinikita ng ibang live streamer/YouTuber sa mga laban ni Alex Eala.

‘Yung iba, sa Facebook (FB) nagla-live tho ‘yung iba nare-regulate pero naka-live pa rin at commentator lang ang datingan.

At ‘pag sa FB ka nanood, merong silang pa-shoutout para sa GCash at ang daming nagbibigay ng GCash aside from the views.

Well, ang daming gustong manood sa laban ni Alex real time. Lalo sa kanyang naging panalo sa Berlin Open kung saan pumasok siya sa semifinals.

Ngayon naman ay sa doubles with Venus Williams sa Bad Homburg Open at pasok na rin sila sa semifinals kaya ang dami na namang naka-live na gamit ang kanilang mga subscription sa iba-ibang platform.

17 Kapamilya Stars, nominado sa 2026 Seoul Awards!

Umiskor ang 17 bituin ng nominasyon para sa Outstanding Asian Star sa 2026 Seoul International Drama Awards (SDA) ang ABS-CBN.

Kabilang sa mga nominado ay sina action stars Bela Padilla at Gerald Anderson para sa Blood vs Duty, fan favorite na sina Kim Chiu at Paulo Avelino para sa The Alibi, pati na rin sina Joshua Garcia at Ivana Alawi para sa Love Is Never Gone.

Nakatanggap si Joshua ng isa pang nominasyon para sa kanyang husay sa It’s Okay to Not Be Okay, kung saan umani rin ng pagkilala ang kanyang co-stars na sina Anne Curtis at Carlo Aquino.

Maliban kay Joshua, tumanggap ding muli ng nominasyon si Gerald Anderson para sa Sins of the Father, pati na rin ang kanyang co-star na si Shaina Magdayao. 

 Nominado rin sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo para sa kanilang galing sa The Silent Noise.

  Kasama rin sa mga nominado ang cast ng mystery series na What Lies Beneath, na kinabibilangan nina Charlie Dizon, Kaila Estrada, JM De Guzman at Jake Cuenca.

 Umani rin ng nominasyon ang rising stars ng Ghosting na sina Fyang Smith at JM Ibarra.

  Kabilang sa mga Kapamilyang pinarangalan ng Outstanding Asian Award ay sina Belle Mariano (2022), Daniel Padilla (2025), Kathryn Bernardo (2023) at Kim Chiu (2024).

 Ang Seoul International Drama Awards (SDA) ay binibigyang parangal ang mga huwaran sa telebisyon sa buong mundo. Bukas ang botohan para sa Outstanding Asian Star hanggang Hulyo 14. Ang magwawagi ay opisyal na paparangalan sa Oktubre sa Seoul, South Korea.

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with