^

Police Metro

‘Innovation’ pantapat vs human trafficking - BI

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabala ang mga anti-trafficking advocates na hindi dahilan ang isang dekadang top-tier status ng Pilipinas para maging kampante, dahil patuloy na nauungusan ng mga krimeng natutulungan ng teknolohiya ang tradisyonal na pagtugon ng mga otoridad.

Ayon sa International Justice Mission (IJM) sa isang kaugnay na post sa kanilang website, nananatili ang mga kakulangan sa laban kontra trafficking sa Pilipinas dahil matigas ang ulo at namamayagpag ang mga krimeng natutulungan ng teknolohiya.

Inilabas noong ­huling bahagi ng Setyembre 2025 ng US State Department’s Office to Monitor and Combat Trafficking in Persons, pinuri ng ulat ang gobyerno ng Pilipinas sa patuloy nitong pagtugon sa minimum standards para sa pagpuksa ng sex at labor trafficking, gayundin sa bigay ng “sapat na mahigpit” na parusa sa mga pagkakasala.

“Ang kawalan ng sentralisadong database na sumusubaybay sa iligal na recruitment at human trafficking ay humadlang sa pagsisikap ng gobyerno na pigilan ang trafficking at panagutin ang mga trafficker”.

Magugunita na kamakailan ay sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Spokesperson Dana Sandoval na nagmungkahi ang Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS) pro­ject na isang integrated end-to-end na solusyon na sumasaklaw sa lahat ng pangunahing international gateways, kabilang ang mga paliparan ng NAIA, Clark, Davao, Mactan-Cebu, Boracay, Iloilo, Kalibo, Laoag, Bohol-Panglao, Puerto Princesa, at Zamboanga, pati na ang daungan ng Zamboanga at anim na border crossing station.

Kamakailan lang, ang puganteng Amerikanong si Herbert Leon Kimble, na nasa “Most Wanted Fraudsters” list ng FBI, ay naaresto sa Pilipinas at ibinalik sa US upang harapin ang $1.2 bilyong kaso ng pandaraya sa healthcare.

HUMAN TRAFFICKING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with