^

Probinsiya

Brodkaster niratrat sa ambush sa Roxas City

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Brodkaster niratrat sa ambush sa Roxas City
Kinilala ang sugatang biktima na si Jay Lavapiez na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang radio broadcaster at anchorman matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalangmga suspek Roxas City kahapon.

Kinilala ang sugatang biktima na si Jay Lavapiez na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Batay sa paunang ulat, hinarang ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang sasakyan ni Lavapiez habang papasok ito sa kalsadang patungo sa kanyang istasyon ng radio sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Cagay, Roxas City, alas-5:00 ng umaga nitong Lunes.

Apat na putok ng baril ang pinakawalan ng mga suspek, kung saan tumama ang mga bala malapit sa driver’s seat ng  sasakyan ng biktima.

Ayon sa ilang ­residente, nakita nila ang mga suspek na naghihintay sa kabilang bahagi ng kalsada simula pa bandang alas-4:00 ng madaling araw na posibleng nagmatyag muna sa galaw ng broadcaster bago isagawa ang ambush.

Sa kasalukuyan, nasa maayos na umanong kondisyon si Lavapiez habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo sa krimen.

Agad namang kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pananambang kay Lavapiez.

Sa pahayag ng PTFoMS, mariin nitong tinuligsa ang lahat ng uri ng karahasan at pananakot laban sa mga mamamahayag, at iginiit na walang puwang ang mga ito sa isang demokratikong lipunan.

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with