Send-off ng Gilas bukas

MANILA, Philippines — Masisilayan ng Pinoy fans ang Gilas Pilipinas dahil gaganapin ang open practice sa Lunes sa FilOil Arena sa San Juan City.
Ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas, ito na rin ang magsisilbing send-off ng Gilas Pilipinas bago ito tumulak sa Auckland, New Zealand sa Hunyo 23 para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers final window.
Target ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na maagang pumunta sa Auckland upang magkaroon ng acclimatization ang kaniyang bataan.
Sa kasalukuyan, pumapalo sa 12 hanggang 13 degrees ang lamig sa Auckland — malayo sa mainit na klima sa ngayon sa Maynila.
“Masyadong malamig sa Auckland right now, so we want to go down there a little early and try to catch up to the weather. It’s mga 12, 13 degrees. Walang heat sa gym in Auckland,” ani Cone.
Magandang pagkakataon ito upang makapag-adjust agad ang katawan ng Pinoy cagers bago ang laban nito kontra sa New Zealand sa Hulyo 3.
“So it’s going to be a trial for our guys,” wika ni Cone.
- Latest
















